
Patuloy na humahakot ng milyun-milyong views online ang GMA Afternoon Prime series na My Father's Wife.
Sa second week ng GMA Drama soap, natuloy na ang 'sham wedding' nina Gina (Kylie Padilla) at Gerald (Jak Roberto), pero hindi inaasahan ni Betsy (Kazel Kinouchi) na kailangan matulog sa iisang kuwarto ng kaniyang boyfriend at BFF.
Paliwanag ni Gina na kailangan nilang gawin ito para mapaniwala ang magulang niya na sina Robert (Gabby Concepcion) at Minda (Snooky Serna). Higit sa lahat kailangan nilang maging ready kung sakali may dumating na immigration officer.
May mahigit one million views na ang eksena na ito sa My Father's Wife at maraming natatawa sa naging reaksyon ni Betsy.
@gmanetwork Ikaw naman, Betsy. Need 'yan para sa pagpapanggap nila! Loyal nga ang Beh mo, 'di ba? 😜 #MFWFakeWedding #MyFathersWife #GabbyConcepcion #KyliePadilla #JakRoberto #KazelKinouchi #fyp #foryou #kapuso #gmanetwork
♬ original sound - GMA Network
Source: GMA Network (TikTok)
Puwede n'yo ulit-ulitin panoorin ang full episode ng My Father's Wife sa official showpage nito sa GMANetwork.com.
Tutukan ang gumaganda kuwento ng hit GMA Drama series tuwing Lunes hanggang Sabado, pagkatapos ng It's Showtime.
RELATED CONTENT: Get to know Sparkle star Kazel Kinouchi