GMA Logo My Fathers Wife
What's on TV

My Father's Wife: Betsy, pinatulan ng kasabwat na empleyado

By Aedrianne Acar
Published August 13, 2025 11:29 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Sinulog 2026: Crowd at Grand Parade, Ritual Showdown hits 3.3M
Farm to Table: (January 18, 2026) LIVE
24 Oras Weekend Express: January 18, 2026 [HD]

Article Inside Page


Showbiz News

My Fathers Wife


Nakahanap ng katapat si Betsy (Kazel Kinouchi)! Huwag palagpasin ang mangyayari sa 'My Father's Wife' ngayong Miyerkules sa GMA Afternoon Prime.

Huli na pero nakalusot pa rin ang tuso na si Betsy (Kazel Kinouchi) sa episode ng My Father's Wife kahapon (August 12) nang malaman nina Gina (Kylie Padilla) at Gerald (Jak Roberto) na may kinuhang file ito sa laptop ni Gina.

Kinompronta ng mag-asawa si Betsy para alamin kung siya ang may pakana sa fake golden tickets na pinakalat kaya nagka-stampede sa Rodriguez Supermart.

Ang mga naturang eksena umani ng million views matapos ma-upload sa Facebook in less than 24 hours. Pero bago mahuli sa kasinungalingan si Betsy, inako ng kasabwat niya na si Monique ang kasalanan.

Matapos akuin ni Monique ang kasalanan at patalsikin ni Gina sa supermart, ipinakita na binayaran ni Betsy ang empleyado.

Ngunit nagkainitan ang dalawa matapos hindi magustuhan ni Betsy ang binitawang salita ni Monique na: “Nagkasala ako sa anak ko, pero ikaw, ewan ko. Basta hindi mo deserved maging miyembro ng pamilya nila dahil napakasama mo tao.”

Napa-komento tuloy ang fans na deserved ni Betsy na patulan ni Monique.

“1BA ANG UNA” kaya tutukan ang gumagandang kuwento sa My Father's Wife, tuwing Lunes hanggang Sabado sa oras na 2:30 pm, pagkatapos ng It's Showtime!

RELATED CONTENT: Taping with star-studded casts of My Father's Wife