
Determinado ang cast ng hit GMA Drama series na My Father's Wife na ibigay ang kanilang emotion sa bawat taping nila dahil sa natatanggap nilang papuri mula sa fans.
Ang episode ng show nitong September 5 at September 6, kung saan nalaman na ni Gina (Kylie Padilla) na ang kabit ni Gerald (Jak Roberto) ay si Betsy (Kazel Kinouchi) nakakuha ng milyon-milyong views sa iba't ibang social media platform at panalo rin sa online engagement.
Ayon sa panayam ng 24 Oras sa lead star ng soap na si Gabby Concepcion, maganda ang mangyayari sa karakter niya na si Robert.
“It's going to bring a lot of emotions sa characters, especially 'yung character ko, because talagang hahabulin ko siya. Hahabulin ko sila... Mas maganda 'yung may confrontation 'di ba.”
“Hindi nawawala 'yung sampalan, pisikalan. Ako nga, kaliwa't kanan na sampal lagi natatanggap ko sa show na 'to. From green flag to red flag talaga 'yung character ko, so, paano ko mare-redeem 'yung sarili ko sa family ko,” kuwento naman ni Jak Roberto sa role niya bilang Gerald.
Nababasa naman ng main kontrabida ng My Father's Wife na si Kazel Kinouchi ang mga post ng mga netizen.
May inamin din siya kay Nelson Canlas tungkol sa kaniyang character na si Betsy. Ano kaya ito?
“Minsan nagli-live ako para mag-sorry na sa kanila. Na sorry po, hindi po totoo 'yung, pero ngayon, naiinis din talaga ako sa character ko. 'Pag binabasa ko 'yung script, 'Ano ba yan! Maldita talaga, bakit ang sama-sama, pero abangan nila. Hindi natin alam malay mo.”
Para naman kay Kylie Padilla, nakakabilib ang abilidad ni Gina na magpatawad na pinakaimportanteng natutunan niya sa kaniyang role.
“Kay Gina, how to be forgiving and have a forgiving heart.”
“Ang galing talaga ni Gina, kudos sa'yo, pero hindi ko kaya [laughs].”
Kaya bawal bumitaw tuwing hapon at manood ng My Father's Wife sa GMA Afternoon Prime, Monday to Saturday at 2:30 p.m., after It's Showtime.
RELATED GALLERY: Things you've missed during the My Father's Wife taping