
Matinding lungkot ang nararamdaman nina Maureen Larrazabal at Shan Vesagas nang lumabas ang kumpirmasyon na pumanaw ang versatile TV-movie actress na si Sue Prado.
Ayon sa kamag-anak ni Sue na si May Shereen Prado, namatay sa edad na 44 noong April 14 ang mahusay na aktres.
Dating nakatrabaho nina Maureen at Shan si Sue sa GMA Afternoon Prime series na My Father's Wife na pinagbidahan nina Gabby Concepcion, Kylie Padilla, Jak Roberto, at Kazel Kinouchi.
Sa Instagram Story ni Maureen, i-pinost niya ang black and white photo ni Sue na nakuhanan na nagbibigay ng flying kiss.
Samantala, taos-puso ang pasasalamant naman ni Shan sa kaniyang Nay Nora sa mga tinuro nito sa kaniya.
Post ng Kapuso heartthrob, “Rest in peace nay, glad I was able to pick your brain and learn from you.”
RELATED CONTENT: Celebrity Deaths