
Makapigil-hininga ang eksena na handog ng viral na GMA Drama series na My Father's Wife sa unang araw ng Setyembre dahil muntik nang mabuko ni Gina (Kylie Padilla) ang pagtataksil nina Gerald (Jak Roberto) at Betsy (Kazel Kinouchi)!
Sa isang bahagi ng episode, umamin si Gina kay Vivian (Dina Bonnevie) na may kutob siya na may babae ang kaniyang mister at ang susi rito ay ang katauhan ni Mrs. Zabala na siya rin code name na nilagay ni Betsy sa smartphone ni Gerald.
Matapos ma-upload ang episode highlights ng My Father's Wife sa Facebook umani ang mga ito ng milyon-milyong views makalipas ng ilang oras lang.
Kung nabitin o may na-miss kayo sa episode kahapon, panoorin ang full episode ng My Father's Wife sa video below.
At huwag bibitaw sa intense story ng My Father's Wife sa GMA Afternoon Prime, Monday to Saturday at 2:30 p.m., after It's Showtime.
RELATED CONTENT: A peek inside the shooting days of My Father's Wife