
May hangganan ang kasakiman!
Ito ang mensahe ng hype plug sa last two weeks ng high-rating at viral na GMA Drama series na My Father's Wife!
Ramdam ang excitement ng viewers at fans sa mga matitinding tagpo sa sinusubaybayan na afternoon soap lalo na at comatose si Robert (Gabby Concepcion) matapos ang heart attack.
Kaya naman sasamantalahin ito ni Betsy (Kazel Kinouchi) para makamkam ang yaman ng mister.
Mapigilan kaya nina Gina (Kylie Padilla) at Gerald (Jak Roberto) ang masamang plano nito?
Ang teaser naman sa nalalapit na finale ng My Father's Wife, umani agad ng two millions views sa Facebook at wish ng netizens na maparusahan ang mag-inang Betsy at Susan (Maureen Larrazabal).
“Karma is real, Wait lang kayong magina, hindi magwawagi ang masamang ugali” sabi pa ng isang netizen sa Facebook.
Post naman ng isa, “Sana maganda ang ending. Makulong sana yong mag ina”
Catch the last two weeks of My Father's Wife on GMA Afternoon Prime, Monday to Saturday at 2:30 p.m., after It's Showtime.
RELATED CONTENT: GET TO KNOW VERSATILE ACTRESS KAZEL KINOUCHI