
Solid ang suporta n'yo sa bagong GMA Afternoon Prime series na My Father's Wife!
Simula nang mag-world premiere ang GMA Drama series noong June 23, hindi lamang ito nakapagtala ng mataas na ratings, kung hindi umani rin ito ng maraming viral videos sa social media.
At sa loob lamang ng dalawang linggo, nakapagtala na ang soap ng combined total online views na 100 million views!
Kaya, para iwas FOMO (fear of missing out) sa mga tagpo sa bagong kinahuhumalingan ng bayan sa hapon, tumutok lang sa My Father's Wife sa oras na 2:30 p.m., pagkatapos ng It's Showtime.
Source: GMA Network (TikTok)
Samantala sa pagpapatuloy ng kuwento nitong Lunes (July 7), gumulantang kina Robert (Gabby Concepcion) at Minda (Snooky Sena) ang pag-amin ni Gina (Kylie Padilla) na buntis siya!
Paano kaya tatanggapin nina Robert at Minda na nagbunga ang pekeng kasal ng anak nila at ni Gerald (Jak Roberto)?
Balikan ang viral moment na ito online na umani ng isang milyong views sa video below!
@gmanetwork LAGOWT! Buking naman agad si Gina ng parents n'ya! 🥲 #MFWConfession #MyFathersWife #GabbyConcepcion #KyliePadilla #JakRoberto #KazelKinouchi #SuePrado #AndreParas #fyp #foryou #kapuso #gmanetwork
♬ original sound - GMA Network
RELATED CONTENT: My Father's Wife' taping moments you should see!