
Ramdam ang inis sa social media sa ginagawang pang-aakit ni Betsy (Kazel Kinouchi) kay Gerald (Jak Roberto) sa My Father's Wife.
Effective ang pagganap ni Kazel sa kontrabida role niya sa hit GMA Afternoon Prime series kaya naman gigil na gigil ang comments ng viewers sa paghalik ni Betsy sa asawa ni Gina (Kylie Padilla).
Ang naturang scene sa My Father's Wife, may one million views na sa Facebook as of writing.
Sa episode ng GMA Drama series nitong Lunes, August 4, nakilala na rin ng mga manonood ang role ni Shan Vesagas bilang si Tolits at gumanap naman na Julia ang Sparkle beauty na si Caitlyn Stave.
In other news, tingnan ang fashionable moments ng casts ng My Father's Wife sa katatapos na GMA Gala 2025: