
Sa kabila ng takot na maaaring may gawing masama si Betsy (Kazel Knouchi), nagkaroon ng pagkakataon sina Gina (Kylie Padilla) at Gerald (Jak Roberto) na ma-enjoy ang pagkakaroon nila ng baby sa My Father's Wife.
Kahapon (July 12), tinutukan ng marami ang baby shower na idinaos ng pamilya ni Gina at ni-reveal na magkakaroon sila ng baby girl.
Ang eksena na ito sa My Father's Wife umani ng mahigit one million views sa Facebook in less than 24 hours.
Bukod sa natutuwa ang fans at netizens sa baby nina Gina at Gerald, marami rin ang pumuri sa pag-arte ng mga artista na bahagi ng My Father's Wife.
Pero ang happy ending na inaasam-asam ni Gina, mukhang hindi papayagan ni Betsy!
Kaya huwag nang magpapahuli at nood na Lunes hanggang Sabado, pagkatapos ng It's Showtime sa oras na 2:30 p.m. sa GMA Afternoon Prime!
RELATED CONTENT: