
Bagyong Gina (Kylie Padilla) walang sasantuhin, basta cheater!
Sumabog ang galit ng anak ni Robert (Gabby Concepcion) sa My Father's Wife nang malaman niya mula sa kanyang Ninang Vivian (Dina Bonnevie) na ang kabit ni Gerald (Jak Roberto) ang mismong stepmom niya na si Betsy (Kazel Kinouchi)!
Tinutukan ng viewers at fans ang big scene na ito ng hit GMA Drama series ngayong Biyernes, September 5 at talagang ramdam din ang galit ng mga ito kina Gerald at Betsy.
Napahirit pa ang isang fan na, “Ang makapangyarihang tubo ni Amihan Gina.”
Komento rin ng isa, “Eto inaabangan ko e haahha ang mahuli”
Sa loob lamang ng isang oras, nakakuha na agad ng over 3.6 million views sa Facebook ang scene na ito.
Source: GMA Network & GMA Drama (FB)
Heto ang maiinit na eksena sa My Father's Wife:
Sundan ang intense story sa My Father's Wife sa GMA Afternoon Prime, Monday to Saturday at 2:30 p.m., after It's Showtime.
RELATED CONTENT: A peek inside the shooting days of My Father's Wife