
Tila na-'access denied' pa si Betsy sa maaring makuha nitong pera at yaman mula kay Robert (Gabby Concepcion) nang bigla siyang ginulat ni Gina (Kylie Padilla) tungkol sa isang prenuptial agreement.
Hindi maitago sa mukha ni Betsy ang pagkainis sa episode ngayong Huwebes (July 24) sa My Father's Wife na napapayag si Robert ni Gina na kailangan pumirma muna niya ng isang prenup agreement na sa oras na maghiwalay silang dalawa ay wala ni singko siyang makukuha.
Aliw na aliw ang netizens at fans sa moment nito at sinabi nila na mas gumaganda ang kuwento dahil palaban na si Gina.
Ang naturang episode highlight may mahigit sa 1.3 million views na agad sa Facebook sa loob lamang ng isang oras.
Source: GMA Drama & GMA Network (FB)
Kaya para lagi kayong UNA sa mga intense moments sa My Father's Wife, nood na tuwing Lunes hanggang Sabado sa oras na 2:30 pm, pagkatapos ng It's Showtime!
RELATED CONTENT: Taping with the star-studded cast of My Father's Wife