
Certified knockout si Betsy (Kazel Kinouchi) sa episode ng GMA Drama series na My Father's Wife na ipinalabas nitong Sabado, August 30.
Nagbakasyon ang pamilya nina Gina (Kylie Padilla) at Gerald (Jak Roberto) kasama sina Betsy at Robert (Gabby Concepcion) sa isang resort.
Sa isang bahagi ng episode, may patama ang karakter ni Kazel Kinouchi kay Gina nang sabihan niya ito:
“Baka kaya ayaw lumusong ni Gina, kasi nahihiya siya sa katawan niya. Kasi, ikaw naman FF masyado mo kinarir 'yung pagiging Presidente na napabayaan mon a tuloy ang sarili mo.”
Hindi naman nagpakabog ang misis ni Gerald at ipinakita niya ang sexy body niya.
Hirit pa ni Gina, “Partida, pagod pa 'to sa trabaho.”
Ang naturang eksena umani agad ng mahigit 1 million views sa Facebook sa loob ng dalawang oras. Marami rin fans ng soap ang tuwang-tuwa sa clapback ni Gina kay Betsy.
Bukod sa patalbugan sa resort scene, nakakuha rin ng million views ang episode highlight ng My Father's Wife kung saan mali si Betsy sa pagaakala na para sa kaniya ang romantic surprise na hinanda ni Gerald.
Balikan ang nakakahiyang moment na ito ni Betsy sa video below:
RELATED CONTENT: KYLIE PADILLA JAW-DROPPING PHOTOS