
Hindi binigo nina Gabby Concepcion, Kylie Padilla, Jak Roberto, at Kazel Kinouchi ang viewers at fans ng hit GMA Drama serye na My Father's Wife dahil pasabog ang second to the last episode nito noong Biyernes, October 10.
Ang pagpanaw ng main villain na si Betsy, umani agad ng mahigit 4.5 million views at mahigit sa 87,000 reactions sa Facebook pa lamang.
Mixed naman ang naging reaksyon ng mga manonood sa nangyari kay Betsy.
Samantala, may mga naku-curious naman sa teaser ng finale episode ng My Father's Wife ngayong Sabado (October 11) tungkol sa babae na ipinakilala ni Robert na si Arizona.
May bagong stepmom ba si Gina (Kylie Padilla)?
RELATED CONTENT: Exclusive Look: Behind-the-scenes of 'My Father's Wife'