
Hindi magpapatinag ang fans ng My Father's Wife sa pagtutok dito tuwing hapon lalo na at tumataas ang tensyon sa bawat episode.
Muling nakamit ng patok na GMA Drama series ang mataas na TV ratings nitong mga nagdaang araw base sa datos mula sa NUTAM People Ratings.
Abangers ang viewers sa magiging resulta ng DNA test sa ipinagbubuntis ni Betsy (Kazel Kinouchi) para malaman kung sino ang tunay na ama - si Robert (Gabby Concepcion) o si Gerald (Jak Roberto)?
Humakot ng million views online ang eksena kahapon, September 15, kung saan naghaharap ang pamilya nina Gina (Kylie Padilla) at Betsy para matuldukan na ang agam-agam.
Catch My Father's Wife on GMA Afternoon Prime, Monday to Saturday at 2:30 p.m., after It's Showtime.
RELATED GALLERY: MEET KAZEL KINOUCHI