
Tapos na ang tagu-taguan at bistado na ang mga taksil!
Inabangan ng viewers at fans ang episode ng My Father's Wife kahapon, September 2, dahil nahuli mismo sa akto ni Mackie (Andre Paras) na magkasama at naghahalikan sina Gerald (Jak Roberto) at Betsy (Kazel Kinouchi).
Nang komprontahin ni Mackie ang BFF na si Gerald, umamin ito sa kanyang pagkakasala.
Sabi niya, “Hindi ko 'to ginusto mangyari dahil mahal na mahal ko si Mindy, pati na rin si Gina (Kylie Padilla).
“Kaso nagiging marupok ako pagdating kay Betsy. Kahit alam kong mali, kahit nakokonsensya ako pagdating kay Betsy, pagka nilalapitan niya ako, hindi ko mapigilan ang sarili ko.”
Ang naturang episode clip, umani ng 4.8 million views sa Facebook.
Ramdam din ang inis ng fans nang ma-caught in the act ni Mackie ang dalawa! Isumbong kaya ni Mackie si Gerald kay Gina?
Huwag bibitaw sa intense story ng My Father's Wife sa GMA Afternoon Prime, Monday to Saturday, 2:30 p.m., after It's Showtime.
RELATED CONTENT: A peek inside the shooting days of My Father's Wife