
Ito ang katotohanan na bumulaga kay Betsy (Kazel Kinouchi) sa episode ng My Father's Wife kahapon, July 30.
Kahit ngayon na siya na ang misis ni Robert (Gabby Concepcion) at nagre-reyna-reynahan sa mansyon, hindi pa rin buo ang kasiyahan niya dahil hindi niya nararanasan ang buhay ni Gina (Kylie Padilla) na may asawang buo ang pagmamahal sa kaniya.
Maraming netizens at fans ng GMA drama series ang tuwang-tuwa sa satisfying moment nang makita inggit na inggit si Betsy sa sobrang sweet ni Gerald kay Gina.
Kilig na kilig din ang mga viewers sa on-screen chemistry nina Kylie at Jak.
Tandaan, 1BA ANG UNA! Kaya huwag papahuli sa panonood ng My Father's Wife, tuwing Lunes hanggang Sabado sa oras na 2:30 pm, pagkatapos ng It's Showtime!
RELATED CONTENT: Taping with star-studded casts of My Father's Wife