
Time out muna ang marami sa mga heavy drama scenes sa GMA Afternoon Prime series na My Father's Wife lalo na nang ipakita na sa episode ang baby girl nina Gina (Kylie Padilla) at Gerald (Jak Roberto) na si Baby Mindy.
Nag-upload din ang show sa Facebook page ng GMA Drama, kung saan maraming fans at netizens ang hindi mapigilan manggigil sa cuteness ni Mindy.
May ilan pang nagsabi na puwede sa 'commercials' ang anak nina Gina at Gerald.
Buhos din ang papuri para kina Kylie Padilla at Jak Roberto dahil sa magandang chemistry na ipinakikita nila sa My Father's Wife.
Kaya para lagi kayong UNA sa mga intense moments sa My Father's Wife, nood na tuwing Lunes hanggang Sabado sa oras na 2:30 p.m., pagkatapos ng It's Showtime!
RELATED CONTENT: My Father's Wife star-studded taping