
Hashtag satisfied ang reaksyon ng mga fan at netizen na nakatutok sa bagong GMA Afternoon Prime series na My Father's Wife nang sugurin ng nanay ni Gerald (Jak Roberto) na si Nora (Sue Prado) ang mag-inang linta na sina Betsy (Kazel Kinouchi) at Susan (Maureen Larrazabal).
Nalaman kasi ni Nora (Sue Prado) na hindi ibinigay ni Betsy ang pinadalang per ani Gerald sa kaniya.
Matitindi ang mga sumunod na nangyari at nag-away hindi lang sina Nora at Susan, kung hindi pinatulan din ni Betsy ang nanay ng kaniyang boyfriend.
@gmanetwork Mas boto na ngayon si Aling Nora kay Gina kesa kay Betsy! Ang kati kasi ng kamay, eh! #MFWLoveLanguage #MyFathersWife #GabbyConcepcion #KyliePadilla #JakRoberto #KazelKinouchi #MaureenLarrazabal #SuePrado #AndreParas #fyp #foryou #kapuso #gmanetwork
♬ original sound - GMA Network
May mahigit 1.1 million views ang cat fight scenes na ito sa My Father's Wife at marami ang humanga sa pag-arte nina Kazel, Maureen, at Sue.
Tutukan ang My Father's Wife, Lunes hanggang Sabado, pagkatapos ng It's Showtime sa oras na 2:30 p.m..
RELATED CONTENT: Get to know Sparkle star Kazel Kinouchi