
Sinuklian ng viewers at fans ang exciting moments ng My Father's Wife nitong October 3 matapos makamit ng show ang pinakamataas na TV ratings nito simula nang umere noong Hulyo.
Makapigil-hininga ang mga eksena ng GMA Afteroon Prime series, lalo ang naging agawan ng baby nina Betsy (Kazel Kinouchi) at pamilya ni Robert (Gabby Concepcion).
Base sa datos mula sa NUTAM People Ratings nakakuha ang My Father's Wife ng 8.5 percent na TV ratings na pinakamataas din sa buong GMA Afternoon Prime block.
Kung nabitin kayo sa episode noong October 3 at kung paano pilit tinakasan ni Betsy sina Gina (Kylie Padilla), balikan ang full episode nito below!
RELATED CONTENT: Kylie Padilla's face card never declines