
Alam na ni Gina (Kylie Padilla) ang lahat at talagang sinadya nina Betsy (Kazel Kinouchi) at Susan (Maureen Larrazabal) na hindi tulungan si Robert (Gabby Concepcion) noong inaatake ito sa puso.
Kaya naman ang misis ni Gerald (Jak Roberto) gustong kasuhan ang kriminal niyang stepmom ng Frustrated Parricide.
Dahil timbog na ang kanilang kasalanan ang mag-ina dali-dali ang dalawa na tumakas para hindi makulong.
Ang episode highlights ng pagtakas nina Betsy at Susan, kinaaliwan ng fans at umani na ng two million views.
Makulong kaya ang dalawa?
Source: GMA Network (FB) & GMA Drama (FB)
Sundan ang last two weeks ng My Father's Wife, Lunes hanggang Sabado sa oras na 2:30 p.m., pagkatapos ng It's Showtime.
RELATED CONTENT: 'My Father's Wife' offers powerful story that will capture viewers' hearts