
Nagngitngit sa galit ang viewers at fans ng hit afternoon soap na My Father's Wife sa nangyaring pag-eeskandalo ng mag-inang Betsy (Kazel Kinouchi) at Susan (Maureen Larrazabal) sa lamay ni Marcel (Yul Servo).
Umani na ng milyon-milyong views sa Facebook at TikTok ang naging bangaan sa pagitan nina Gina (Kylie Padilla) at Betsy; at kahit sina Nora (Sue Prado) at Susan ay nag-away na rin!
Umabot sa punto na nadamay ang labi ni Marcel nang mahulog ang kabaong nito matapos itulak ni Betsy si Gina!
My Father's Wife Source: GMA Drama (FB) and GMA Network (TikTok)
Balikan ang intense scene na ito sa My Father's Wife na ipinalabas kahapon sa video below!
Samantala, excited na ang lahat sa pagsama ng versatile TV-movie star na si Dina Bonnevie sa My Father's Wife, matapos kumpirmahin ito last week. Gaganap si Dina bilang si Vivian sa serye.
Abangan ang paglabas ni Vivian sa My Father's Wife sa GMA Afternoon Prime, Monday to Saturday sa oras na 2:30 p.m., after It's Showtime.