GMA Logo my fathers wife
What's on TV

'My Father's Wife' stars, makikipag-chikahan sa 'Kapuso ArtisTambayan'

By Aedrianne Acar
Published September 11, 2025 11:01 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Unang Hirit Livestream: December 17, 2025
Dawn fire razes 7 houses in Estancia, Iloilo
Japanese lifestyle brand unveils limited edition 'Evangelion' merch collection

Article Inside Page


Showbiz News

my fathers wife


Abangan sina Gabby Concepcion, Kylie Padilla, at Jak Roberto sa 'Kapuso ArtisTambayan' ngayong hapon, September 11.

Matapos malaman kung sino ang mga nagtataksil, naghabulan sakay ng kotse, at nagrambulan sa palengke, pahinga muna sa matitinding salpukan ang cast ng My Father's Wife ngayong Huwebes, September 11.

Kaya i-ready na ang mga tanong n'yo kina Gabby Concepcion, Kylie Padilla, at Jak Roberto dahil game sila makikipagkulitan sa Kapuso ArtisTambayan!

Makakasama rin nila ang TV host-comedienne na si Maey Bautista.

Anu-ano pa kaya ang mga mangyayari sa kinahuhumalingang GMA Afternoon Prime series?

Patuloy din sundan ang exciting moments sa My Father's Wife sa GMA Afternoon Prime, Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., pagkatapos ng It's Showtime.

Related content: Behind the scenes of My Father's Wife: