
Ilang linggo na lang ay magaganap na ang biggest showbiz event ng taon dahil sa darating na August 2, 2025, idadaos na ang much-awaited GMA Gala 2025.
Ang mga bida ng GMA Afternoon Prime series na My Father's Wife, naghahanda na sila kanilang mga OOTD for the glitzy event.
Kuwento ni Kylie Padilla sa 24 Oras, “Yes, may gown na po ako. May theme po uli siya and 'yun lang po. Everytime I do a gala, may kuwento 'yung ginagawa ko. May kuwento 'yung gown.”
May vision din si Kazel Kinouchi sa isusuot niya sa big occasion. “Meron na akong vision na sana [magawa ko]. Maganda kasi 'yung gusto ko gown.”
RELATED CONTENT: Happy moments shooting with the stars of 'My Father's Wife'
Samantala, ang Kapuso actor-entrepreneur na si Jak Roberto, naka-focus na maging dapper ang look niya sa GMA Gala next month.
“Simple lang naman sa amin, suit and tie lang naman. So, mahalaga lang sa amin mag-sharpen 'yung dating namin, maging dapper talaga pagdating sa gala,” lahad ni Jak sa Chika Minute.
Kasama rin nina Kylie, Jak, at Kazel sa My Father's Wife ang seasoned TV-movie stars na sina Gabby Concepcion, Snooky Serna, at marami pang iba.
Related Content: A look back at some of the A-list celebrities who attended the GMA Gala 2024