
Walang bibitaw at walang aabsent dahil last two episodes na ng high-rating GMA Drama series na My Father's Wife.
Sa huling Biyernes ng patok na serye, manganganib ang buhay ng mag-asawang Gina (Kylie Padilla) at Gerald (Jak Roberto) ngayong hawak na sila nina Betsy (Kazel Kinouchi) at Susan (Maureen Larrazabal).
Dahil dito, handang magbigay si Robert (Gabby Concepcion) ng ransom money kapalit ng kaligtasan ng kanyang pamilya.
Tumupad kaya ang Team Betsy sa kasundaan at papakawalan nang buhay ang mag-asawa?
Source: GMA Network
Samantala, sa panayam ng 24 Oras sa mga bida ng My Father's Wife na sina Kylie at Kazel, sinabi ng mga ito na ma-mimiss nila ang mga katrabaho nila sa serye.
Pag-amin ni Kylie sa Chika Minute, “Lahat ng project napamahal ka sa prod. And naging pamilya mo na, meron talagang separation anxiety.”
“It's bittersweet, kasi siyempre ma-mimiss ko 'tong set, the cast. And of course, working with them and mami-miss ko rin si Betsy.” dagdag ni Kazel.
Tutukan ang finale ng My Father's Wife ngayong Sabado (October 11) , pagkatapos ng It's Showtime.
RELATED CONTENT: Exclusive Look: Behind-the-scenes of 'My Father's Wife'