
Dina Bonnevie is definitely back on GMA Afternoon Prime.
Mainit ang pagtanggap ng fans sa seasoned actress na si Dina Bonnevie matapos kumpirmahin na parte na ito nang hit GMA soap na My Father's Wife.
Sa online teaser na in-upload, gagampanan ni Dina ang role ni Vivian na magiging kakampi naman ni Gina played by Kylie Padilla.
Ilang oras lang, nakakuha na ang online teaser nang mahigit one million views at marami na ang excited sa magiging salpukan nina Vivian at Betsy (Kazel Kinouchi) sa serye.
Magsisilbing reunion din ito para kina Dina Bonnevie at Kazel na nagkasama noon sa Abot-Kamay na Pangarap (2023-2024).
Tutukan ang paglabas ni Vivian sa My Father's Wife sa GMA Afternoon Prime, Monday to Saturday sa oras na 2:30 p.m., after It's Showtime. 1BA ANG UNA!
RELATED GALLERY: WHO IS KAZEL KINOUCHI