
Napakapit ang lahat ng manonood sa naging bangaan sa My Father's Wife sa pagitan nina Lisa/Betsy (Kazel Kinouchi) at Tita Connie (Arlene Muhlach).
Nagkaroon ng cat fight ang dalawa kung saan binantaan ni Connie si Betsy na ibubunyag niya kay Robert (Gabby Concepcion) ang tunay na pagkatao nito na peke ang pagkatao niya bilang Lisa!
Pero bago matawagan ni Tita Connie si Gina (Kylie Padilla), bigla ito na-stroke at napurnada ang pagsisiwalat niya ng katotohanan.
Ang ending, naging caregiver pa ni Connie si Lisa/Betsy at nakatanggap ito ng malupit na TLC mula dito at sa ina niya na si Susan (Maureen Larrazabal)!
Balikan ang nakakagigil na moment na ito sa video below:
Kaya huwag nang magpapahuli at nood na Lunes hanggang Sabado, pagkatapos ng It's Showtime sa oras na 2:30 p.m. sa GMA Afternoon Prime!
RELATED CONTENT: