GMA Logo My Fathers Wife
What's on TV

'My Father's Wife', umarangkada sa TV ratings; netizens, nagreact sa paulit-ulit na pagtataksil ni Gerald

By Aedrianne Acar
Published August 28, 2025 12:01 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Lalaki, patay sa bugbog ng ex-bf ng kaniyang kinakasama
Environmentalist sa Negros Oriental, Gipusil Patay | Balitang Bisdak
Nadine Samonte finds joy in collecting of designer figure

Article Inside Page


Showbiz News

My Fathers Wife


'My Father's Wife', nakamit ang mataas na TV rating sa episode noong August 26!

Hindi papatinag ang viewers at fans ng GMA Drama series na My Father's Wife sa pagtutok lalo na at tumitindi ang pagtataksil nina Gerald (Jak Roberto) at Betsy (Kazel Kinouchi) sa kani-kanilang asawa!

Nakapagtala ang My Father's Wife ng 6.8 percent TV rating noong Martes, August 26, na higit na mataas sa katapat nitong programa.

Nagbabaga ang emosyon ng televiewers ng soap nang mapanood muli nila ang panloloko ni Gerald kay Gina (Kylie Padilla).

Matapos kasi ang matinding away ng mag-asawa, nakahanap si Gerald ng karamay sa dati nitong ex-girlfriend na si Betsy at talagang kumulo ang dugo ng fans sa mga sumunod na nangyari.

Balikan ang nagbabagang eksena sa My Father's Wife na ipinalabas noong August 26 sa episode below.

Catch the intense story of My Father's Wife on GMA Afternoon Prime, Monday to Saturday at 2:30 p.m., after It's Showtime. 1BA ANG UNA!

RELATED CONTENT: A peek inside the shooting days of 'My Father's Wife'