GMA Logo my fathers wife
Source: GMA Network & GMA Drama (FB)
What's on TV

My Father's Wife: Vivian, huli na ang cheaters!

By Aedrianne Acar
Published September 4, 2025 6:28 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Benguet police, kinumpirmang patay na si ex-DPWH Usec. Cabral
CNU grads top licensure exams for teachers
Maluhong ina, TINITIPID ang anak at asawang may sakit! | Barangay Love Stories

Article Inside Page


Showbiz News

my fathers wife


Vivian: "We are right on time!"

Tumitindi ang kapit ng mga manonood sa kinahuhumalingang GMA Drama series na My Father's Wife!

Paldong-paldo ang TV ratings ng soap na pinagbibidahan nina Gabby Concepcion, Kylie Padilla, Kazel Kinouchi, at Jak Roberto sa unang linggo ng Setyembre.

Ngayon Huwebes, September 4, nahuli na ni Vivian (Dina Bonnevie) ang mga cheater na sina Gerald (Jak Roberto) at Betsy (Kazel Kinouchi) na may matinding pinagtatalunan.

Ang naturang episode clip, umani na ng one million views sa loob lamang ng isang oras matapos ito maupload sa Facebook.

Sabik na sabik naman ang fans sa mga susunod na mangyayari at kung paano sasabihin ni Vivian ang mga nakita niya kay Gina (Kylie Padilla).

Ready na ba ang lahat sa big eviction sa bahay ng mga Rodriguez?

Tutukan ang My Father's Wife sa GMA Afternoon Prime, Monday to Saturday at 2:30 p.m., after It's Showtime.

RELATED CONTENT: A peek inside the shooting days of My Father's Wife