
Lalong sisidhi ang pagkamuhi ni Betsy (Kazel Kinouchi) na sa tingin niya ay pagtataksil na ginawa sa kaniya nina Gina (Kylie Padilla) at Gerald (Jak Roberto).
Walang paawat ang pagsuporta ng viewers sa matitinding eksena sa My Father's Wife lalo na nang malaman ni Betsy na magkakaanak na sina Gina.
Viral ang moments nang sinabunutan ni Betsy ang kaniyang BFF na umani ng milyon-milyong views sa Facebook at mukhang sasabog ulit ang galit ng anak ni Susan (Maureen Larrabzal) sa episode ngayong Biyernes!
Bawal mahuli sa latest happening sa patok na afternoon serye na My Father's Wife!
Manood na Lunes hanggang Sabado, pagkatapos ng It's Showtime sa oras na 2:30 p.m. sa GMA Afternoon Prime!
RELATED CONTENT: Exclusive Look: Behind-the-scenes of 'My Father's Wife'