
Kaabang-abang ang bawat tagpo sa huling dalawang linggo ng GMA Prime series na My Guardian Alien, na pinagbibidahan nina Marian Rivera at Gabby Concepcion kasama si Max Collins.
Sa teaser na inilabas ng GMA Network.com ngayong Biyernes (June 21), mapapanood na kasama ni Ceph (Gabby Eigenmann) ang kanyang mga kasabwat at mayroon silang dala na bomba.
Bukod dito, ipinakita rin ang isang nahanap na necklace at nang hawakan ito ni Grace (Marian Rivera) ay tila nakita niya ang alaala ni Ceph noong kabataan nito, pati ang ina nito.
Ano na naman kaya ang masamang pinaplano ni Ceph?
Samantala, wagi na naman sa ratings ang recent episodes ng My Guardian Alien. Ayon sa NUTAM People Ratings, nakapagtala ng 10.3 at 10.5 percent ang ratings ng 58th at 59th episodes ng naturang serye, na ipinalabas noong June 19 at 20.
Subaybayan ang My Guardian Alien, Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m., sa GMA Prime. Mapapanood din ito sa Pinoy Hits at Kapuso Stream. Maaari ring mapanood ang serye sa oras na 10:30 p.m. sa GTV.
KILALANIN ANG CAST NG MY GUARDIAN ALIEN SA GALLERY NA ITO.