
Patuloy na tumitindi ang bawat tagpo sa GMA Prime series na My Guardian Alien.
Sa inilabas na teaser ng GMA Network sa telebisyon at social media ngayong Lunes (June 10), mapapanood na nadakip sina Grace (Marian Rivera) at Venus (Max Collins) na kagagawan ni Ceph (Gabby Eigenmann).
Tila magtutulungan na ang dalawa upang makatakas kay Ceph. Maging matagumpay kaya sina Grace at Venus?
Hindi natatapos dito ang kasamaan ni Ceph dahil malalagay na naman sa panganib ang buhay ni Grace dahil sa kanya.
Sa sneak peek na ipinakita sa Facebook page ng GMA Drama, mapapanood na sinaksak ni Ceph si Grace matapos sabihin ng huli na kukunin na niya ang fragment mula rito.
Ano kaya ang mangyayari kay Grace? Alamin lamang 'yan mamaya sa My Guardian Alien, 8:50 p.m., sa GMA Prime, Pinoy Hits, at Kapuso Stream.
Mapapanood din ang serye sa GTV sa oras na 10:30 p.m.
RELATED GALLERY: Meet the cast of 'My Guardian Alien'