
Noong nakaraang linggo sa My Husband in Law, halos masira ang samahan at tiwala nina Tien at Moi sa isa't isa dahil sa mga isyu na kinaharap nila bilang magkatrabaho.
Dahil matagal nang magkakilala at magkasama sa buhay, buo ang tiwala ni Tien na kailanman ay hindi siya pagtataksilan ni Moi sa anumang bagay.
Nang mangyari ang hacking incident sa kanilang opisina, ibinuhos ni Tien ang kanyang lakas at diskarte upang mahuli ang tunay na salarin. Ginawa niya ang lahat ng kanyang makakaya upang maipaghiganti ang kanilang kumpanya.
Sa sobrang pagmamahal sa kanyang trabaho, hindi tumigil si Tien sa pagtugis sa tunay na hacker na kumuha ng mga importanteng impormasyon at proyekto na pinaghirapan ng kanilang opisina.
Ngunit bigla na lamang siyang natulala at nanlumo nang malaman ni Tien ang katotohanan na magkasabwat pala si Moi at ang kanyang boss sa naturang insidente.
The revelation
Nang magising si Tien mula sa katotohanang ito, matinding galit ang naramdaman niya kay Moi.
Kung anu-anong masasakit na salita ang narinig ni Moi mula sa kanyang asawa dahil sa nangyari.
Trust issues
Magkakaayos pa kaya sina Tien at Moi?
O mas magkakalayo ang kanilang loob dahil sa pagtataksil ni Moi sa kanyang asawa?
Abangan ang mga susunod na tagpo sa My Husband in Law, Lunes hanggang Huwebes, 10:20 p.m. sa GMA Telebabad.
Samantala, kilalanin ang Thai stars na napanood sa iba't ibang television series na inihandog ng Heart of Asia sa gallery na ito: