
Kaabang-abang ang huling mga tagpo sa Thai romantic drama series na My Husband in Law.
Hindi dapat palampasin ang mas marami pang kilig scenes ng Thai stars na sina Mark Prin at Mew Nittha Jirayungyurn sa serye.
Napapanood sina Mark at Mew sa programa bilang lovers ngayon na sina Tien at Moi.
Matatandaan na sa unang episode nito, ipinakilala ang dalawa bilang magkababata na kalaunan ay nahulog ang loob sa isa't isa.
Natunghayan din sa previous episodes ang ilang naging resulta matapos ang kanilang fake wedding.
Sa finale episode ng serye, dapat abangan kung ano ang mangyayari sa love story nina Tien at Moi.
Ano pa kaya ang mangyayari sa mga karakter nina Mark Prin at Mew Nittha Jirayungyurn?
Happy ending kaya ang naghihintay para sa kanila?
Tumutok sa huling episode ng My Husband in Law, mapapanood ngayong Biyernes, February 9, 2024,11:25 p.m. sa GTV.
Samantala, narito ang ilang pang Thai actors na napanood sa GMA: