
Sa huling gabi ng Thai romantic drama series na My Husband in Law, tila hindi na makapaghintay ang mga Kapuso sa real wedding nina Tien (Mark Prin Suparat) at Moi (Mew Nittha Jirayungyurn) na magaganap ngayong gabi.
Matapos ang kabi-kabilang problema, mga hindi maintindihang damdamin, at mga komplikadong sitwasyon, mukhang matutupad na ang mga pangarap ni Moi--ang maikasal sa lalaking tunay na nagmamahal sa kanya.
Kahit noong una ay magkapatid lang ang naging turingan, sa pagdaan ng panahon ay unti-unti nang nahulog ang loob nina Tien at Moi sa isa't isa.
Naitaiwid man ang pekeng relasyon at sapilitang pagsasama bilang mag-asawa upang matakasan ang isang magulong sitwasyon, mukhang pang habambuhay na babawi si Tien kay Moi dahil sa pagmamahal na pinaramdam nito sa kanya sa loob ng mahabang panahon.
Kahit ikinasal na sila Tien at Moi noon, tila naniniwala ang dalawa sa kasabihang “love is sweeter the second time around.”
Ngayong gabi, huwag palampasin ang most-awaited wedding sa telebisyon!
Sabay-sabay nating panoorin ang pagtatapos ng My Husband in Law, mamayang 10:20 p.m. sa GMA Telebabad.
Samantala, kilalanin ang Thai stars na napanood sa iba't ibang television series na inihandog ng GMA Heart of Asia sa gallery na ito: