
Noong nakaraang linggo, ilang sikreto ang nabunyag sa Thai romantic drama series na My Husband in Law.
Matapos ang mabunyag ang ang matagal na sikretong itinago nina Nancy at Moi, unti-unti nang nagbago ang pakikitungo ni Tien kay Moi.
Mas naramdaman kasi niya na mahal na mahal siya ni Moi nang malaman na handa niyang isakripisyo ang kanyang buhay para lamang iligtas siya.
Moi and Nancy's secret
Kasunod nito, nagdesisyon na si Tien na palayain na ang kanyang asawa upang sarili naman nito ang kanyang unahin.
Nais kasi ni Tien na maging masaya na si Moi at matupad nito ang mga pangarap niya na naudlot noong nagpakasal silang dalawa.
Tien's final decision
Nang magkahiwalay na ang dalawa, buong akala ni Tien ay magiging maayos ang buhay ni Moi.
Ngunit isang araw, nagulat na lamang si Tien nang muli niyang makita si Moi na nakasakay sa isang bus.
Labis na naguluhan si Tien dahil buong akala niya ay pupunta sa ibang bansa si Moi para mag-aral ngunit tila nagsinungaling ito sa kanya.
Nang sundan niya si Moi, isang matinding sikreto ang nalaman ni Tien tungkol sa tunay na dahilan ng paglayo ni Moi.
Moi is pregnant!
Posible nga bang magkabalikan sina Tien at Moi?
Abangan ang mas kapana-panabik na mga tagpo sa My Husband in Law, Lunes hanggang Huwebes, 10:20 p.m. sa GMA Telebabad.
Samantala, kilalanin ang Thai stars na napanood sa iba't ibang television series na inihandog ng Heart of Asia sa gallery na ito: