
Sa ikalawang linggo ng My Husband in Law, maraming nadiskubre si Tien tungkol sa kanyang asawa na si Moi.
Noong nag-aaral pa lamang si Moi, isang estudyanteng lalaki na nasa higher level ang lubos niyang hinahangaan.
At dahil maraming beses silang pinagtagpo ng tadhana, kaya naman nakahiligan ni Moi na magsulat sa kanyang diary tungkol sa kanyang crush at kolektahin ang mga larawan nito.
Nang makatapos nang pag-aaral si Moi, hindi pa rin siya nawalan ng pag-asa na mapalapit sa kanyang crush.
Kaya't itinago niya pa rin ang mga gamit na nagpapaalala tungkol sa kanyang crush.
Sa isang hindi inaasahang pagkakataon, nakita ni Tien ang lumang diary ni Moi at labis siyang nagulat sa kanyang mga nalaman.
Buong paniniwala kasi ni Tien ay kapatid lamang ang turing sa kanya ni Moi.
Ngunit sa pamamagitan ng isang diary, nalaman na ni Tien ang tunay na nararamdaman ni Moi para sa kanya.
Moi's longtime secret
Samantala, bukod sa sikreto ni Moi, matagal na ring itinatago ni Nancy na gusto niya si Moi para sa kanyang anak.
Bata pa lamang kasi ang dalawa, gustong gusto na ni Nancy na si Moi ang mapangasawa ni Tien.
Kaya naman agad niyang ipinakasal ang dalawa upang mailigtas na rin ang kanyang anak sa kapahamakan mula sa gulong kinasangkutan nito.
Isang araw, isinama niya ang mag-asawa sa isang manghuhula.
Nang matapos ang ritwal, sinabi ng manghuhula na itinadhana raw talagang magsama at magmahalan sina Tien at Moi.
Ayon pa rito, nakatakda ring magkaroon ng kambal na anak ang dalawa.
Masayang-masaya si Moi nang malaman niya ang mga ito.
Samantalang si Tien naman ay tila hindi makapaniwala sa kanyang mga narinig.
Tien and Moi's fate
Mayroon pa ba itinatago sina Tien at Moi sa isa't isa?
Ano kaya ang naghihintay na buhay para sa dalawang ikinasal lamang upang matakpan ang isang kasalanan?
Abangan ang mga susunod na tagpo sa 'My Husband in Law,' Lunes hanggang Huwebes, 10:20 pm sa GMA Telebabad.
Samantala, kilalanin ang Thai stars na napanood sa iba't ibang television series na inihandog ng Heart of Asia sa gallery na ito: