GMA Logo My Husband in Law
What's Hot

My Husband in Law: Good News or Bad News?

By EJ Chua
Published March 17, 2022 1:39 PM PHT
Updated March 18, 2022 3:03 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Chile wildfires kill 19 amid extreme heat; scores evacuated
Lalaki patay sang gintiro sang gwardiya nga iya ginbuno sa Barotac Nuevo | One Western Visayas
Philippine flag carrier celebrates 85th anniversary with new aircraft

Article Inside Page


Showbiz News

My Husband in Law


Ano ang mga dapat abangan sa muling pagtatagpo nina Tien at Moi sa 'My Husband in Law?'

Sa pagpapatuloy ng Thai romantic drama series na My Husband in Law, isang sikreto ang mabubunyag tungkol sa tunay na dahilan ng paglayo ni Moi (Mew Nittha Jirayungyurn) kay Tien (Mark Prin Suparat).

Isang araw, habang papunta si Tien sa trabaho, nakita niyang nakasakay sa bus si Moi.

Ngunit dahil buo ang paniniwala niyang nasa ibang bansa si Moi upang magtrabaho ipinagsawalang bahala niya na lamang ang kanyang nakita.

Kasunod nito, sa isang hindi inaasahang pagkakataon, muli ni Tien si Moi.

Dahil labis na naguguluhan sa mga nangyayari, sinundan ni Tien si Moi hanggang sa bahay na tinutuluyan nito.

Makalipas ang ilang minuto, agad na pinuntahan ni Tien si Moi at dali-dali itong dinala sa ospital matapos makitang nawalan ito ng malay.

Sa mga oras na iyon, hindi mapakali si Tien nang malaman niyang nagdadalang tao pala si Moi kaya pinili nitong lumayo sa kanya.

Moi is pregnant!

Ano kaya ang buhay na nakatakda para sa dalawang taong nagsimula sa isang magulong sitwasyon?

Papayag kaya si Moi na muli niyang makasama si Tien?

Huwag palampasin ang mas kapana-panabik na mga tagpo sa 'My Husband in Law,' Lunes hanggang Huwebes, 10:20 p.m. sa GMA Telebabad.

Samantala, kilalanin ang Thai stars na napanood sa iba't ibang television series na inihandog ng Heart of Asia sa gallery na ito: