GMA Logo My Husband in Law
What's Hot

My Husband in Law: Lawful spouse | Week 3

By EJ Chua
Published January 25, 2022 10:18 AM PHT
Updated January 25, 2022 11:21 AM PHT

Around GMA

Around GMA

September Christmas in PH? Partly due to mall culture, Jose Mari Chan, says experts
'Boga' hurts 2 kids in Iloilo; hit in the eyes
Christmas gift ideas for your girl besties

Article Inside Page


Showbiz News

My Husband in Law


Paano nga ba ipinaglalaban ni Moi ang kanyang karapatan bilang asawa ni Tien? Alamin sa 'My Husband in Law.'

Sa nakaraang linggo ng My Husband in Law, ilang beses na sinubok ng tadhana ang pagpapahalaga ni Moi sa kanyang asawa.

Isang gabi, pag-uwi ni Moi mula sa trabaho, naabutan niya si Nadia na kinukulit na naman si Tien.

Tila hindi talaga tumitigil ang desperadang babae na ito sa panggugulo at sa paghabol sa asawa ni Moi.

Sa gitna ng eksena, nagulat na lamang si Nadia nang itaboy siya ni Tien sa harap ni Moi.

Ang panggugulo ni Nadia

Pagkatapos ng gabing iyon, mas lumakas ang loob ni Moi na ipaglaban ang kanyang asawa.

Sinugod ni Moi ang desperadang babae na si Nadia sa opisina nito.

Buong tapang ni ipinamukha ni Moi na ipaglalaban niya ang kanyang karapatan bilang asawa ni Tien.

The Desperate Woman vs The Legal Wife

Matapos sumugod ni Moi sa opisina ni Nadia, nasundan naman ito ng isa pang iskandalo.

Isang araw, sumugod naman si Nadia sa opisina nila Tien upang ipahiya ito sa harap ng maraming tao.

Kung si Moi ay may sariling diskarte upang pigilan si Nadia sa panggugulo, mayroon din palang mga plano si Tien upang makaganti sa dati niyang kasintahan.

At sa panggugulo ni Nadia sa kanilang opisina, kapansin-pansin na nagtagumpay si Tien sa kanyang mga ginawa upang makaganti sa gulong dinala nito sa kanyang buhay.

Tien's revenge

Magiging payapa na kaya ang pamumuhay nina Moi at Tien bilang mag-asawa?

Tuluyan na bang maglalaho si Nadia sa kanilang buhay?

Abangan ang mga susunod na tagpo sa My Husband in Law, Lunes hanggang Huwebes, 10:20 p.m. sa GMA Telebabad.

Samantala, kilalanin ang Thai stars na napanood sa iba't ibang television series na inihandog ng Heart of Asia sa gallery na ito: