
Noong nakaraang linggo sa My Husband in Law, nasubukan ang tiwala ni Tien sa kanyang asawa.
Habang patuloy na ginagawa ni Tien ng maayos ang kanyang mga trabaho sa kanilang opisina, pilit namang inilihim ni Moi sa kanyang asawa ang isang mahalagang bagay.
Nang magsimulang maghinala si Tien sa kakaibang ikinikilos ng kanyang asawa, hindi na siya tumigil sa paghahanap ng ebidensya.
Finding evidence
At habang unti-unting nabubunyag ang tunay na rason tungkol sa pakikipagtransaksyon ni Moi kay Mr. Thada, naging mas istrikto si Tien sa kanyang asawa upang maging limitado ang mga kilos nito.
Moi's real motive
Sinasadya nga ba ni Moi na kalabanin ang kanyang asawa?
Karapat-dapat pa bang magtiwala si Tien kay Moi?
Abangan ang mga susunod na tagpo sa My Husband in Law, Lunes hanggang Huwebes, 10:20 p.m. sa GMA Telebabad.
Samantala, kilalanin ang Thai stars na napanood sa iba't ibang television series na inihandog ng Heart of Asia sa gallery na ito: