
Noong nakaraang linggo sa My Husband in Law, labis na pinakilig nina Tien at Moi ang mga manonood!
Habang namamasyal sa kalapit bayan, sinulit ni Moi ang kanyang day off kasama ang kanyang asawa na si Tien.
Nang makarating sila sa isang banal at sikat na lugar, napagtanto ni Moi na wala pala siyang dalang pera.
Kaya naman kinulit ni Moi ang kanyang asawa para bayaran ang lahat ng kanyang bibilhin at kakainin.
Masaya silang namasyal at palihim na sinubukan ang ilang mga ritwal na maaaring maging susi upang malaman nila ang kanilang kapalaran.
Quick escape
Habang papauwi, naaksidente ang mag-asawa at nalagay sa kapahamakan ang buhay ni Moi.
Dahil sa pangyayaring iyon, napatunayan ni Tien sa kanyang sarili na mahalaga pala si Moi sa kanyang buhay.
Tien saved Moi's life
Magtutuloy-tuloy na kaya ang maayos at nakakakilig na pagsasama nina Tien at Moi bilang mag-asawa?
Abangan ang kasagutan sa mga susunod na tagpo sa My Husband in Law, Lunes hanggang Huwebes, 10:20 p.m. sa GMA Telebabad.
Samantala, kilalanin ang lead actor ng My Husband in Law na si Mark Prin sa gallery na ito: