
Malapit nang mapanood sa GMA Telebabad ang Thai romantic comedy drama series na My Husband in Law.
Tiyak na kikiligin ang mga manonood sa istorya ng dalawang taong magtutulungan upang makatakas sa isang komplikadong sitwasyon.
Magtatagumpay kaya sila sa kanilang planong pagkukunwari?
Papayag ka bang magpakasal sa isang lalaking matagal mo nang kakilala ngunit alam mong wala namang nararamdaman para sa iyo?
Pipiliin mo bang iligtas ang ibang tao kahit ang kapalit nito ay ang pagkakatali sa isang relasyon na tila hindi naman makatotohanan?
May pag-asa nga bang magmahalan ang dalawang taong nagsimulang magsama para lang matakasan ang isang kasalanan?
Ang mga kasagutan sa mga ito ay dapat ninyong abangan!
Ang My Husband in Law ay pagbibidahan ng mahuhusay na Thai stars na sina Mew Nittha Jirayungyurn na mapapanood bilang si Moira at Prin Suparat o mas kilala bilang si Mark Prin na mapapanood naman bilang si Sebastien.
Huwag palampasin ang kakaibang kuwento ng 'My Husband in Law,' malapit na sa GMA Telebabad!
Para sa iba pang Kapuso stories, bisitahin ang www.GMANetwork.com.
Samantala, kilalanin ang Thai stars na napanood sa iba't ibang television series na inihandog ng Heart of Asia sa gallery na ito: