
Sa unang linggo ng My Husband in Law, unti-unting nasusubukan ang pagsasama nina Moi at Tien bilang mag-asawa.
Matapos ang kanilang kasal, labis ang kasiyahan ni Moi tuwing naiisip niya na asawa na niya ang kanyang kababata at longtime crush na si Tien.
Habang si Tien naman ay hindi pa rin komportable sa bagong set-up nila Moi na ang itinuturing niya lang na isang nakababatang kapatid.
Honeymoon?!
Bilang asawa, kailangang sundin ni Moi ang mga utos at mga ibinibilin ni Tien sa kanya.
Isa sa mahigpit na ibinilin ni Tien kay Moi ay panatilihing sikreto ang kanilang kasal kahit ano pa ang mangyari.
Kaya naman nang biglang dumating ang mga kaibigan ni Tien sa kanilang bahay, nagpanggap ang dalawa na sila ay magkapatid lamang.
The secret
Kasunod ng kanilang pagsasama bilang mag-asawa, napagkasunduan din ng dalawa na kapag may mahalagang pangyayari lamang nila isusuot ang kanilang mga wedding ring.
Noong hindi pa sila ikinakasal, magkasama na sina Tien at Moi sa iisang bubong, ngunit tila hindi pa rin sila sanay sa kanilang bagong buhay.
Anu-ano pa kaya ang mga dapat nilang makasanayan bilang mag-asawa?
Makakatiis kaya sila sa ugali ng isa't isa?
Abangan ang mga susunod na tagpo sa My Husband in Law, Lunes hanggang Huwebes, 10:20 p.m. sa GMA Telebabad.
Samantala, kilalanin ang Thai stars na napanood sa iba't ibang television series na inihandog ng Heart of Asia sa gallery na ito: