
Napanood n'yo rin ba ang sweet moments nina Tien at Moi nang magkasama silang namasyal?
Quick escape
Sa pagpapatuloy ng kanilang kuwento sa My Husband in Law, walang humpay na kulitan at tawanan ang napanood ng marami sa pagpunta nina Tien at Moi sa isang sikat na siyudad.
Mula sa pagbili ng mga pagkain, mga palamuti at pagkuha ng magagandang litrato sa bawat sulok ng templo ay kapansin-pansin na labis na nag-enjoy ang dalawa habang sila ay magkasama.
Ngunit sa kanilang pag-uwi, isang aksidente ang naganap na sumubok sa pagpapahalaga ni Tien sa kanyang asawa.
Nang mahulog sila mula sa kanilang sinasakyan, hinanap agad ni Tien si Moi at natagpuan niya itong duguan at nanghihina.
Nang mga oras na iyon, tila kapansin-pansin na sobrang nag-alala si Tien sa kanyang asawa.
Kung noon ay puro sermon ang natatanggap ni Moi mula kay Tien, pag-aalaga at tunay na pagpapahalaga ang naramdaman niya nang mangyari ang aksidente.
Tien saved Moi's life
Senyales na nga ba ito na gagampanan na ni Tien ang pagiging isang maalalahanin at mapagmahal na asawa kay Moi?
Mayroon pa kaya siyang pagkakataon para maitama ang lahat ng kanyang pagkakamali?
Abangan ang kasagutan sa mga susunod na tagpo sa 'My Husband in Law,' Lunes hanggang Huwebes, 10:20 p.m. sa GMA Telebabad.
Samantala, kilalanin ang Thai stars na napanood sa iba't ibang television series na inihandog ng Heart of Asia sa gallery na ito: