GMA Logo my husband in law recap
What's Hot

My Husband in Law: The confrontation

By EJ Chua
Published January 19, 2022 12:35 PM PHT

Around GMA

Around GMA

10,000 cops deployed in C. Visayas to secure Christmas celebration
Luis Pablo is finally home — and a champion: ‘Feels good to win it with La Salle’
Straight from the Expert: Lechon after the celebration (Part 2)

Article Inside Page


Showbiz News

my husband in law recap


Matauhan na kaya si Nadia sa ginawang pagkompronta ni Moi sa kanya? Alamin sa 'My Husband in Law.'

Sa pagpapatuloy ng istorya ng My Husband in Law, kapansin-pansing lumalabas na ang taglay na katapangan ni Moi.

Sweet na dalaga ang turing ng ilan kay Moi, ngunit ngayong may asawa na, tila nagiging isang babaeng palaban na siya.

At dahil ayaw tumigil ni Nadia sa paghabol sa asawa niyang si Tien, nagdesisyon siyang huwag pumasok sa trabaho at puntahan ang desperadang babae sa opisina nito.

Buong tapang na ipinamukha ni Moi kay Nadia na hindi niya ito aatrasan kung sakaling nagbabalak ito na guluhin muli ang kanyang asawa.

Hindi inaasahan ni Nadia ang mga pangyayari. Labis siyang nagulat at halos manggigil dahil kinompronta siya ni Moi.

Buong akala niya kasi ay mahina si Moi at madali lamang paikutin.

The desperate woman vs The legal wife

Hanggang kailan kaya ipaglalaban ni Moi ang kanyang karapatan bilang asawa ni Tien? Ito na kaya ang katapusan ng panggugulo ni Nadia?

Abangan ang kasagutan sa mga susunod na tagpo sa My Husband in Law, Lunes hanggang Huwebes, 10:20 pm sa GMA Telebabad.

Samantala, kilalanin ang Thai stars na napanood sa iba't ibang television series na inihandog ng Heart of Asia sa gallery na ito: