
Mas nakakakilig na mga eksena ang napanood ng mga Kapuso sa nakaraang linggo ng My Husband in Law.
Isang araw, imbes na maasar sa presensya ni Moi, hinahanap-hanap pa ni Tien ang kanyang asawa na si Moi.
Tila hindi na ito sanay na nawawala ito sa kanyang paningin.
The sweetest warning
Habang nagkakamabutihan ang mag-asawa, hindi nila inaasahan na muling babalik sina Oliver at Nadia upang guluhin ang kanilang buhay.
Olivia and Nadia are back!
Sa loob ng ilang taon, naipakita at ilang beses na napatunayan ni Moi kung gaano niya kamahal si Tien.
At sa wakas! Unti-unti nang nasusuklian ang kanyang nararamdaman.
True love exists!
Tuluy-tuloy na nga ba ang kilig moments nina Tien at Moi?
Abangan ang mas kapana-panabik na mga eksena sa My Husband in Law, Lunes hanggang Huwebes, 10:20 p.m. sa GMA Telebabad.
Samantala, kilalanin ang Thai stars na napanood sa iba't ibang television series na inihandog ng Heart of Asia sa gallery na ito: