
Noong nakaraang linggo sa My Husband in Law, napagtanto ni Tien na hindi niya pala kayang mawala si Moi sa kanyang paningin. Ano kaya ang ibig sabihin ng kanyang nararamdaman?
Dahil kapansin-pansin na mas nagkakalapit ang loob nina Ron at Moi, hindi na naitago ni Tien ang tunay na nararamdaman niya tuwing nakikitang may ibang lalaking kumakausap sa kanyang asawa.
Si Tien, nagseselos?
Habang patuloy na nahuhulog ang loob ni Tien kay Moi, bigla naman itong nagpaalam upang magsimula raw ng panibagong buhay.
Wala nga bang forever?
Habang tumatagal ang pagsasama nina Tien at Moi bilang mag-asawa, tila nagbabago na ang pananaw ni Tien sa kahulugan ng salitang kasal.
Tien's deep thoughts
Ipaglalaban nga ba ni Tien ang tunay na nararamdaman niya para kay Moi?
Abangan ang mas nakakakilig na mga eksena sa 'My Husband in Law,' Lunes hanggang Huwebes, 10:20 p.m. sa GMA Telebabad.
Samantala, kilalanin ang Thai stars na napanood sa iba't ibang television series na inihandog ng Heart of Asia sa gallery na ito: