GMA Logo Mark Prin, Mew Nittha Jirayungyurn
What's on TV

My Husband in Law: Tien, sinabing hindi si Moi ang tipo niyang babae

By EJ Chua
Published December 23, 2023 8:37 PM PHT

Around GMA

Around GMA

OCD urges extra precautions in Albay amid storm Ada and Mayon unrest
Vendors in Aklan fall victims to fake P1,000 bills
Nadine Samonte finds joy in collecting of designer figure

Article Inside Page


Showbiz News

Mark Prin, Mew Nittha Jirayungyurn


Ang sakit naman magsalita ni Tien sa 'My Husband in Law.'

Hindi matigil ang pagtatalo ni Tien (Mark Prin) at ng kanyang ina sa My Husband in Law.

Sa previous episodes ng serye, natunghayan na umaalma si Tien sa bawat inuutos ng kanyang ina tungkol sa pagsasama nila ni Moi (Mew Nittha Jirayungyurn).

Sa isang episode, hindi sinasadya ni Moi na marinig ang seryosong pag-uusap ng mag-ina.

Nabigla na lamang si Moi nang marinig niya mula kay Tien na hindi talaga siya gusto ng huli na mapangasawa at makasama.

Sabi ni Tien, “Wala akong nararamdaman para kay Moi. Hindi rin siya ang babaeng gusto kong mapangasawa. Malinaw ba 'yon?”

Matapos sabihin ito, nagulat si Tien nang makita niyang naroon pala ang kanyang asawa.

Habang naglalakad pauwi, maluha-luhang inamin ni Moi na narinig niya ang mga sinabi ni Tien.

Maghihiwalay na ba sina Tien at Moi?

Patuloy na subaybayan ang My Husband in Law, mapapanood ito tuwing Lunes hanggang Huwebes, 11:25 p.m. sa GTV.

Samantala, kilalanin ang Thai stars na napanood sa iba't ibang television series na inihandog ng Heart of Asia sa gallery na ito: