
Sunod-sunod na exciting episodes ang napapanood sa My Husband in Law.
Ang seryeng ito ay pinagbibidahan ng Thai stars na sina Mark Prin at Mew Nittha Jirayungyurn.
Sa pagpapatuloy ng kuwento nito, patuloy ring inililihim ni Tien (Mark Prin) ang ilang detalye tungkol sa kanyang personal na buhay sa kanyang mga kaibigan.
Sa isang episode, natunghayan na nagkakagulo sina Tien at Moi (Mew Nittha Jirayungyurn) sa kanilang bahay dahil sa kanilang mga alagang aso at pusa.
Sa kalagitnaan ng pag-awat nila sa kanilang fur babies, bigla na lamang silang nagulat nang mayroong biglang dumating.
Labis na nag-panic si Tien nang bigla na lamang bumisita sa kanyang bahay ang kanyang tatlong kaibigan.
Bago pa makapasok sa kanilang bahay, inutusan ni Tien si Moi na magtago muna sa kwarto.
Hanggang kailan kaya itatago ni Tien ang kanyang asawa?
Patuloy na subaybayan ang My Husband in Law, mapapanood ito tuwing Lunes hanggang Huwebes, 11:25 p.m. sa GTV.
Samantala, kilalanin ang Thai stars na napanood sa iba't ibang television series na inihandog ng Heart of Asia sa gallery na ito: