GMA Logo My Husband in Law
What's Hot

My Husband in Law: Tien's dirty plan

By EJ Chua
Published January 20, 2022 9:21 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Magna Carta of Filipino Seafarers: What It Means for Those Who Live Life at Sea
Bank robbers in Italy hold 25 people hostage
GMA Kapuso Foundation, namahagi ng tulong sa mga apektado ng mahal na langis sa Mt. Province sa ilalim ng Operation Bayanihan Project | 24 Oras

Article Inside Page


Showbiz News

My Husband in Law


Nagtagumpay kaya si Tien sa paghihiganti niya kay Nadia? Alamin sa 'My Husband in Law.'

Sa pagpapatuloy ng istorya ng My Husband in Law, isinagawa na ni Tien ang plano niyang panloloko kay Nadia.

Nakipagkita si Tien sa kanyang dating karelasyon upang paasahin ito na magkakabalikan silang dalawa.

Habang sila ay magkasama, ipinaramdam ni Tien na gusto niyang makasama muli si Nadia bilang kanyang nobya.

Buong paniniwala ni Nadia ay gusto pa rin siya ni Tien kaya nakipagkita ito sa kanya.

Ngunit ang lahat pala ng ginawa ni Tien nung gabi na sila ay magkasama ay pawang kasinungalingan at panlilinlang lamang.

Nang gabi rin na iyon, iniwan ni Tien ang desperadang babae nang hindi manlang nagpapaalam.

Kasunod nito, sumugod si Nadia sa opisina ni Tien at doon ito nag-iskandalo.

Inaway at sinigawan niya si Tien sa harap ng mga empleyado nito at tuluyang ipinahiya.

Habang nagtatalo, biglang dumating si Moi upang alamin kung ano ang nangyayari.

Tila nagtagumpay nga si Tien sa paghihiganti kay Nadia dahil umasa itong may nararamdaman pa rin siya rito.

Gigil na gigil naman si Nadia dahil sa ginawa ni Tien sa kanya.

Tien's revenge

Matapos maghiganti ni Tien, may balak pa kayang manggulo ulit si Nadia?

Abangan ang mga susunod na tagpo sa My Husband in Law, Lunes hanggang Huwebes, 10:20 p.m. sa GMA Telebabad.

Samantala, kilalanin ang Thai stars na napanood sa iba't ibang television series na inihandog ng Heart of Asia sa gallery na ito: