GMA Logo my husband in law
What's Hot

My Husband in Law: Tien's never-ending love for Moi

Published March 29, 2022 6:52 PM PHT

Around GMA

Around GMA

NBA: Stephen Curry propels Warriors over Nets
Dagan sa Panahon Sayran nato Karong Adlawa December 29, 2025 | Balitang Bisdak
The most controversial stories of 2025

Article Inside Page


Showbiz News

my husband in law


Ano ang mga dapat abangan sa nalalapit na pagtatapos ng love story nina Tien at Moi sa 'My Husband in Law?'

Sa huling tatlong gabi ng Thai romantic drama series na My Husband in Law, mapapanood ng mga Kapuso kung paano ibubuhos ni Tien (Mark Prin Suparat) ang pagmamahal niya sa kanyang asawa at magiging anak.

Habang ipinagbubuntis ni Moi (Mew Nittha Jirayungyurn) ang magiging anak nila ni Tien, sunud-sunod na problema at pagsubok ang kanilang pagdadaanan.

Dahil sa malubhang sakit ni Moi, ilang beses na nalagay sa panganib ang buhay nila ng kanyang anak na kasalukuyang nasa sinapupunan niya pa.

Matapos marinig sa doktor na kailangan ni Moi ng kidney donor, agad na nagdesisyon si Tien na i-donate ang isa niyang kidney para mailigtas ang buhay ng kanyang mag-ina.

Sacrifice and love

Ngayong gabi, abangan kung magiging makabuluhan ang pagsasakripisyo ni Tien para sa kanyang pamilya.

Huwag palampasin ang nalalapit na pagtatapos ng My Husband in Law,' mamayang 10:20 p.m. sa GMA Telebabad.

Samantala, kilalanin ang Thai stars na napanood sa iba't ibang television series na inihandog ng GMA Heart of Asia sa gallery na ito: